SabayLakbay
The Diocesan Synod is a three-year period of prayer and listening, during which the Bishop, Clergy, Consecrated Persons, and Laity collaborate to address local needs, transforming collective spiritual discernment into concrete pastoral directions.
What is a Diocesan Synod?
A Diocesan Synod is a formal consultative assembly of priests, religious, and lay persons who gather to advise the Bishop on the spiritual and pastoral needs of the local Church. Think of it as a massive family meeting where everyone listens to one another and to the Holy Spirit to chart the future path of the diocese.
Who are Involved?
When will it take place?
The Diocesan Synod begins with the “Convocation of the Diocesan Synod” on August 28, 2026 and ends in 2028 alongside the celebration of the 25th Jubilee Year of the Diocese.
Why hold a Diocesan Synod?
- To listen to the Holy Spirit: It is a time of deep prayer to understand what God is asking of our local Church right now.
- To set pastoral directions: In response to emerging concerns facing families, parishes and communities.
- To foster Unity: It strengthens the bond among the Bishop, the priests, consecrated persons and the laity, reminding everyone that we are all co-responsible for the Church's mission.
How does it happen?
- Convocation: The Bishop calls for the synod; and, appoints a commission and a secretariat, to organize the process.
- Spiritual Conversations: The Santatlo provides input through parish and vicariate meetings and assemblies to identify needs, concerns, and opportunities for renewal.
- The Diocesan Synod Sessions: Delegates engage in dialogue, discern key themes and draft the final documents.
- The Concluding Celebration: Will take place alongside the 25th Jubilee Year festivities of the Diocese of Cubao.
In summary: The Emergent Church of Cubao
- The ultimate intended outcome of SabayLakbay is a Diocese that is more "synodal, missionary, and united." We will emerge as a Church that no longer waits for permission to love but, as a Samaritan, actively seeks out the wounded in our communities.
- By the end of this journey, we will have Diocesan Pastoral Directions that would align every parish to a single vision: sharing the Gospel warmly and fostering an environment where every person—feels they truly belong.
- As we step into the future, we are guided by the three simple but transformative mandates: Makinig (to listen); Maki-isa (to unite); Maki-misyon (to embrace the mission). Our Bishop remains our Shepherd, entrusted with guiding the local Church. Together, guided by the Holy Spirit and under the leadership of our Bishop, we listen, unite, and embrace the mission—actively shaping the shared future of our Diocese.
Heavenly Father,
Source of all wisdom and communion, we praise and thank You for the gift of the Church and for the Diocese of Cubao, entrusted to our care.
As we journey together in this Diocesan Synod, send forth Your Holy Spirit upon us. Open our minds to Your truth, our hearts to Your love, and our ears to the voices of Your people, especially the poor, the forgotten, and those who seek hope and belonging.
Teach us to walk together as one family of faith, bishops, priests, consecrated persons, and lay faithful, united in prayer, dialogue, and mission. Grant us the humility to listen, the courage to discern, the will to take on the tasks, and the generosity to embrace the paths to which You are calling us.
May this Synod renew our Diocese, strengthen our communion, deepen our participation, and inspire us for mission, so that we may become a living witness of Christ in our communities and proclaim the Gospel with renewed zeal.
Through the maternal intercession of the Blessed Virgin Mary, Immaculate Conception, Patroness of our Diocese, and with the prayers of all our saints and patrons, guide us always in fidelity to Your will.
We ask this through Christ our Lord. Amen.
SabayLakbay
Ang Diocesan Synod ay tatlong taong sama-samang pananalangin at pakikinig. Sa panahong ito, ang Obispo, mga pari, mga taong inilaan ang buhay sa paglilingkod sa Diyos, at mga layko ay sama-samang tumutugon sa mga lokal na pangangailangan, isinasabuhay ang sama-samang espirituwal na pagninilay tungo sa mga kongkretong direksiyong pastoral.
Ano ang Diocesan Synod?
Ang Diocesan Synod ay isang pormal na pagtitipon at pagsasanggunian ng mga pari, mga relihiyoso, at mga layko na magbibigay ng payo at mungkahi sa Obispo tungkol sa mga espirituwal at pastoral na pangangailangan ng lokal na Simbahan.
Tila ito’y isang malaking pagpupulong ng pamilya, na ang lahat ay nakikinig sa Espiritu Santo at sa isa’t isa upang matukoy ang direksiyon at landas na tatahakin ng diyosesis sa hinaharap.
Sino-sino ang Kabilang?
Kailan ito gaganapin?
Magsisimula ang Diocesan Synod sa pamamagitan ng “Convocation of the Diocesan Synod” o Pormal na Pagtawag sa Diocesan Synod sa Agosto 28, 2026. Magtatapos ito sa taong 2028, kasabay ng pagdiriwang ng Ika-25 Taong Jubileo ng Diyosesis.
Bakit Isinasagawa ang isang Diocesan Synod?
- Upang makinig sa Espiritu Santo: Ito ang panahon ng malalim na pananalangin upang maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos sa ating lokal na Simbahan sa kasalukuyang panahon.
- Upang magtakda ng mga direksiyong pastoral: bilang tugon sa mga bagong hamon at suliraning kinakaharap ng mga pamilya, mga parokya, at mga pamayanan.
- Upang mapatatag ang pagkakaisa: Pinatitibay nito ang ugnayan ng Obispo, mga pari, mga taong inilaan sa buhay-relihiyoso, at mga layko, na nagpapaalala sa lahat na tayo ay may pananagutan sa misyon ng Simbahan.
Paano Isinasagawa ang Diocesan Synod?
- Pormal na Pagtawag (Convocation): Pormal na magpapatawag ng Synod ang Obispo at magtatalaga siya ng isang komisyon at kalihiman (secretariat) na mangangasiwa at tutulong sa pag-aayos at pagpapatupad ng buong proseso.
- Mga Espirituwal na Pag-uusap (Spiritual Conversations): Magbibigay ng kanilang mga pananaw at mungkahi ang Santatlo sa pamamagitan ng mga pagpupulong at pagtitipon sa kanilang mga parokya at bikarya (vicariate) upang matukoy ang mga pangangailangan, alalahanin, at mga oportunidad para sa pagpapanibago ng buhay ng ating Simbahan.
- Mga Sesyon ng Diocesan Synod: Ang mga kinatawan ay makikibahagi sa mga talakayan, sama-samang kikilatis at mag-iisip sa mahahalagang tema at usapin, at bubuo ng mga panghuling dokumento.
- Pangwakas na Pagdiriwang: Gaganapin ang pangwakas na pagdiriwang kasabay ng mga gawain para sa Ika-25 Taong Jubileo ng Diyosesis ng Cubao.
Sa Kabuuan: Ang Simbahang Nahuhubog sa Diyosesis ng Cubao
Ang pangunahing layunin ng SabayLakbay ay magkaroon ng isang Diyosesis na higit na sinodal, misyonero, at nagkakaisa. Nais nating maging isang Simbahang kusang nagmamahal at naglilingkod, tulad ng Samaritano—aktibong lumalapit, naghahanap, at tumutulong sa mga nangangailangan at nasusugatan sa ating mga pamayanan.
Sa pagtatapos ng paglalakbay na ito, magkakaroon tayo ng Mga Direksiyong Pastoral ng Diyosesis na magsisilbing gabay sa lahat ng parokya tungo sa iisang bisyon: ang buong pusong pagbabahagi ng Mabuting Balita at paglikha ng isang pamayanang nagpapadama ng tunay na pagkalinga at pagtanggap sa kapwa.
Sa ating pagharap sa kinabukasan, gagabayan tayo ng tatlong simple at transpormatibong mandato: Makinig, Maki-isa, at Maki-misyon.
- Makinig – makinig sa Diyos, sa Espiritu Santo, at sa isa’t isa.
- Maki-isa – magkaisa at makibahagi bilang isang sambayanan ng Diyos.
- Maki-misyon – yakapin at isabuhay ang misyon ng Simbahan.
Ang ating Obispo ang mananatiling ating pastol na pinagkatiwalaang gumabay sa lokal na Simbahan. Sama-sama sa patnubay ng Espiritu Santo at sa pamumuno ng ating Obispo, makinig, magkaisa, at yakapin natin ang misyon – aktibong hubugin ang pinagsasaluhang kinabukasan ng ating Diyosesis.
Ama sa langit, bukal ng lahat ng karunungan at pagkakaisa, pinupuri at pinasasalamatan Ka namin sa mga kaloob mo sa Simbahan at sa Diyosesis ng Cubao, na ipinagkatiwala mo sa aming pangangalaga.
Habang kami ay naglalakbay nang sama-sama sa Diocesan Synod na ito, ipadala Mo sa amin ang Iyong Banal na Espiritu. Buksan Mo ang aming isipan sa Iyong katotohanan, ang aming puso sa Iyong pag-ibig, at ang aming pandinig sa tinig ng Iyong bayan, lalo na ng mga dukha, ng mga nalimutan, at ng mga naghahanap ng pag-asa.
Turuan Mo kaming lumakad bilang iisang pamilya ng pananampalataya — obispo, mga pari, mga taong itinalaga sa Diyos, at mga layko — na nagkakaisa sa panalangin, sa diyalogo, at sa misyon. Ipagkaloob Mo sa amin ang kababaang-loob upang makinig, ang lakas ng loob upang magpasya nang mabuti, ang kahandaan upang tanggapin ang mga tungkulin, at ang kabutihang-loob upang yakapin ang mga landas kung saan mo kami tinatawag.
Panibaguhin nawa ng Sinodong ito ang aming Diyosesis, magpatatag sa aming pagkakaisa, magpalalim sa aming pakikilahok, at magbigay-inspirasyon sa aming misyon, upang kami ay maging buhay na saksi ni Kristo sa aming mga pamayanan at maipahayag ang Ebanghelyo nang may panibagong sigla.
Sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, Immaculada Concepcion, Patrona ng aming Diyosesis, at sa panalangin ng lahat ng aming mga patrong banal, patnubayan Mo kami na maging tapat sa Iyong kalooban sa lahat ng panahon.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Diocesan Synod Timeline
The journey of the Diocesan Synod of Cubao from preparation to its concluding celebration.
Stage 1: Logistical and Spiritual Readiness
Establishing infrastructure, procuring equipment, and conducting mandatory retreats to prepare the heart and mind.
Stage 2: Spiritual Conversations
Gathering vital input from all members through dedicated parish and vicariate listening sessions.
Stage 3: Synodal Sessions
Delegates make a profession of faith, discern emerging themes, and draft official documents.
Stage 4: Decrees and Declaration
The Bishop's final act that set the course for future pastoral programs.