Litany of Gratitude After the Covid Pandemic
To be prayed in all weekday and Sunday Masses from February 11 until
February 22, 2023 (Ash Wednesday).
Leader: Let us approach the Lord, Who makes all things new, for all the blessings and graces we received during the Covid pandemic. After every petition, let us say together:
Thanks be to God.
For reminding us of the fragility of life, shielding us when no one else dared to shelter us and opening our minds to what is really essential, let us thank the Lord
Thanks be to God.
For allowing us to connect with one another with faith and love, despite the isolation that sickness had imposed on us, let us thank the Lord
Thanks be to God.
For the heroic kindness of those who provided us with scientific, social and spiritual help when doing so was both risky and life threatening for them, let us thank the Lord
Thanks be to God.
For the gift of newly discovered medicines and vaccines to combat the virus and the wonder of natural immunity, let us thank the Lord
Thanks be to God.
For the gift of assuring presence, when we were anxious and distressed, depressed and lonely and impatient during the pandemic, let us thank theLord
Thanks be to God.
Let us pray.
Loving God, no thought of ours is unknown to you. No tear we shed is unimportant to you. No joy we celebrate is alien to you. You entered our world of sickness, suffering and death and you know the fears we face. Accept our thanksgiving for your provident love during the Covid pandemic. As you wept at the death of Lazarus, breathe the breath of life everlasting on all those who died from the corona virus. You have turned our fears into joy and for this we thank and praise You. To you be glory now and forever. Amen.
Mary Help of Christians, pray for us.
Saint Michael, the Archangel, pray for us.
San Roque, pray for us.
LITANYA NG PASASALAMAT
MATAPOS ANG PANDEMYA NG COVID
Dadasalin sa lahat ng Misa araw-araw mula ika-11 hanggang ika-22 ng Pebrero
(Miyerkules ng Abo).
Tagapamuno: Dumulog tayo sa Panginoon, na siyang nagpapanibago sa lahat, para sa lahat ng biyaya’t pagpapalang tinanggap natin habang panahon ng pandemya ng COVID. Sa bawat panalangin, ang ating itutugon: Salamat sa Diyos.
Para sa pagpapaalala sa atin ng kawalang-katiyakan ng buhay, sa pagsasanggalang sa atin noong mga panahong walang nais magpatulóy sa atin, at sa pagtuturo sa atin ng mga bagay na tunay na mahalaga, magpasalamat tayo sa Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Para sa pagkakataong tayo ay nagkaisa sa pananampalataya at pagmamahalan, sa kabila ng pagkakalayu-layo na ipinataw sa atin ng karamdaman, magpasalamat tayo sa Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Para sa mga bayaning bukas-palad na nag-abot sa atin ng tulong pang- agham, panlipunan, at pang-espiritwal sa kabila ng panganib na maaring dulot nito sa kanilang buhay, magpasalamat tayo sa Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Para sa biyaya ng mga bagong tuklas na gamot at bakunang pamuksa sa virus, at para sa biyaya ng likas na immunity laban sa sakit, magpasalamat tayo sa Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Para sa biyaya ng presensiya, noong panahong tayo’y nangangamba at nababalisa, nalulumbay at naiinip, sa gitna ng pandemiya, magpasalamat tayo sa Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Manalangin tayo:
Ama naming mapagmahal, hindi lingid sa iyong kaalaman ang laman ng aming isipan. Bawat patak ng aming luha ay iyong pinahahalagahan. Nababatid mo ang lahat ng aming kagalakan. Nakipanahan ka sa mundo naming batbat ng sakit, dusa, at kamatayan, at ang mga takot na kinahaharap namin ay iyong nauunawaan. Tanggapin mo ang aming pasasalamat sa iyong mapagpalang pag-ibig sa kasagsagan ng pandemiya ng COVID.
Katulad noong pagtangis mo sa kamatayan ni Lazaro, dulutan mo ng buhay na walang hanggan ang mga pumanaw dahil sa corona virus. Ang aming mga pangamba ay pinalitan mo ng ligaya, kaya nag-uumapaw ang aming puso sa pagpupuri at pasasalamat sa Iyo. Sa Iyo ang lahat ng kadakilaan, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Maria, Saklolo ng mga Kristiyano, ipanalangin mo kami
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami
San Roque, ipanalangin mo kami