Isang pinagpala’t magandang araw po sa ating lahat. Patuloy ang pagpapakilala ni Hesus sa atin habang naglalakbay tayo. Itong Pasko ng Pagkabuhay, binubuksan ang Kaniyang kalooban, ang Kaniyang puso, upang malaman natin ang mga kayamanan, mga pagpapala na Kaniyang tinatago para ipagkaloob, ibahagi sa atin.
So, itong Linggo pong ito, pang-apat na Linggo ng Pagkabuhay, ito po ay tinatawag na Good Shepherd Sunday. At dalawang larawan po, two images, ang ginagamit ni Hesus sa Ebanghelyo, sabi Niya, “I am the gate of the sheepfold”, and second, “I lead”. So, He’s the Shepherd who leads people and “My sheep listen to my voice and they follow Me”. So, the Lord Jesus leads us to the Father, through Jesus who’s the gate, we have forgiveness of sins and we receive the Holy Spirit. So ito, mahalaga po ang gusto kong bigyan natin ng pansin sa ating pagninilay. At the same time, kino-complement what the images that Jesus uses about Himself, His complement by the first and by the second reading.
Meron tayo sa first reading, from the Acts of the Apostles, yung pangangaral ni St. Peter, na kung saan yung mga tao noong una, hindi nila pinakinggan ang boses ng Mabuting Pastol, at ‘yon, tinutukoy na si Hesus. At sa kaniyang pangangaral napukaw ang kanilang kalooban, damdamin, kaya sabi ng mga taong nakinig kay Pedro, “anong gagawin po namin?”. So, sila ay nakinig kay Peter, “magsisi kayo at magpabinyag,” ibig sabihin, tanggapin si Hesus, sa Kaniya may kaligtasan, sa Kaniya may pag-asa. At sa ikawalang pagbasa, an excerpt from the letter of Peter, we are asked to imitate the Shepherd. ‘Di lamang pakinggan, ngunit kailangan tularan ang Mabuting Pastol.
So, sa unang larawan po, ‘yung “I am the gata”, so, sa pamamagitan ni Kristo, tayo ay may kailgtasan. Siya ang ating Mabuting Pastol, nag-alay ng Kaniyang buhay, na dapat nating tularan. Sometimes, we wonder kung tayo’y kilala ng Diyos dahil napakarami tayo o kung minsan, matagal na tayong nagdarasal, parang hindi pinapakinggan ang ating dasal. Pero ano ang sabi ni Hesus? Muli, inuulit Niya, “I am the Good Shepherd, I know My sheep; and they know Me, they follow Me, they listen to My voice.”. Muli, pinapaalala sa atin ng Panginoon, bawat isa sa atin ay napakahalaga sa Kaniya, bawat isa sa atin ay kilala ng Diyos. Kaya, kung minsan po, kung tayo’y nauulila, kung tayo marahil ay gulong-gulo ang ating kaisipan, nagdududa, maganda ay dasalin natin ‘yung tinatatawag natin na Psalm 23, “The Lord is my shepherd, there nothing I shall want.” Oo, ang Diyos ang Siyang aking Mabuting Pastol, wala na akong kakailanganin pa.
So, as I have said, there are many competing voices today. So, sabi nga ni Hesus sa Kaniyang pangangaral, “I am the gate.”, “[Kung] sino ang gustong magkaroon ng kaligtasan, daan sa Akin.” Dahil [nasa] Kaniya ang susi ng kaligtasan. Hindi katulad ng iba, “kuno,” pastol daw pero hindi dumadaan sa pintuan, dumadaan sa iba’t-ibang paraan upang makapasok sa mga tupa. Hindi para tulungan, hindi para iligtas, ngunit para apihin sila, para makuha [kung] ano man ang gusto nilang makuha para sa kanilang sarili. Sabi nga ni Hesus, hindi tunay na pastol iyon, magnanakaw, manlilinlang. So, tulad ngayon, kung minsan may mga boses tayong naririnig; “Ito, kailangan mo”, “Ito, importante” Materiyalismo, power, katanyagan, at sasabihin, magiging sikat ka, kikilalanin ka ng marami. Pero, saan iyon hahantong? Kung minsan sa pagkasira ng tao.
Pero si Hesus noong sinabi (Niyang), “Ako ang Mabuting Pastol.”, Kaniyang pinakita kung papaano Siya’y tunay na pastol. Tatandaan natin noong huling hapunan; Siya ay lumuhod, sa harap ng Kaniyang mga alagad, hinugasan ang kanilang mga paa. (Bilang) tanda ng Kaniyang kababaang loob, paglilingkod, bilang pagpapakita ng tunay na pagmamalasakit at pagmamahal. Kaya, sinabi [ni Hesus] sa kanila, sa Kaniyang mga alagad, “Oo, tawag ninyo sa aki’y Panginoon, kung ginawa Ko ito sa inyo, dapat ninyong gawin [ito] isa’t isa.”. ‘Yan ang tunay na Pastol; naglilingkod, tinataya ang kaniyang sarili. Siguro po, we remember the time noong dumating ang mga sundalo para dakpin si Hesus sa Hardin ng Gethsemane, and so they tried to (arrest Him), they got Him, and hinuhuli rin yung mga kasama Niyang alagad. Anong sabi Niya? “Don’t touch them, don’t get them, just take me. Ako na! sasama ako sa iny.” That is our Good Shepherd. He did not hesitate to offer Himself, so that we may be spared from our sins, from the punishment, from the death that we deserve.
‘Yan ang Mabuting Pastol, He leads us, as a shepherd, He leads us to the heart of the Father. Nilalapit Niya tayo sa puso ng Kaniyang Ama, bukal ng pag-ibig, bukal ng lahat ng biyaya. Kaya kay Hesus nandiyan ang tunay na kaginhawaan.
So, sa ating kanapahunan, itong panahon po ng pandemniya, again, we are asked to imitate Jesus. Tuwang-tuwa po ako nang malaman ko (na ‘yung) ibang mga pari sa ibang diocese, ibang congregations, bago sila nagpari, nurses sila, ‘yung iba doktor, at dahil sa kanilang lugar kulang [ang] mga frontliners, ‘yung mga maglilngkod sa mga may sakit, humingi sila ng permiso sa kanilang mga superior, if they could practice? At tuwang-tuwa naman ‘yung superior, at tuwang-tuwa ‘yung pari, sabi niya, “Ito, this is the real challenge to be a good shepherd.” So, mga kapatid, you don’t have to be all nurses or doctors, sa iba’t ibang paraan, naglilingkod po tayo, nagsusuporta.
Tuwang-tuwa ako’t nagpapasalamat sa lahat nang tumutulong, lumapapit sa akin, “Bishop, magpapadala po ako ng pagkain para sa lahat nang mga nagugutom, para sa mga frontliners.” Mayroon akong kaibigan, for three weeks, everyday ‘yan, 100 pax kung minsan 200 pax. ‘Di niya sinabing kailangan malaman ‘to ng iba, there is that calling.
So, dahil sa pandemniyang ito, maraming tao, narealise yung kakulangan nila. Sabi nila, “before hindi ako masyadong nag[da]dasal. Ngayon po, nagdasal kami first time bilang isang pamilya.” Tapos yung iba naman sabi niya, “Bishop, now I realise, yung kakulangan ko sa asawa ko, sa mga anak ko, because I was all pretty occupied with my profession, with my time attending different duties, at the same time I didn’t know I was neglecting. I was just now that as I look back, marami pala akong pagkukulang bilang isang pastol.”
So, my dear friends, let us thank God, for enlightening us once again with the power of His word. Let us always look at the Good Shepherd, Jesus, who leads us to the Father, Jesus, who accompanies us,; Jesus, who’s patient with us, kahit na kung minsan hindi tayo nakikinig, we listen more to ourselves, to the power of the world, to the power of materialism, and yet Jesus is patient with us, just as He was patient with His two disciples walking on their way to Emaus.
Kahit na patungo sila sa walang kwentang pamumuhay, sa kadiliman, sa walang pag-asa, sinubaybayan ni Hesus hanggang itama sila sa tamang landas. ‘Yan po ang ating Mabuting Pastol, matiyaga, nagpaparaya, nag-aalay ng sarili, hanggang ngayon.
Sana itong mga realisations natin itong during this pandemya, hindi po mawawala parang bula, dahil ito’y mga binhi tungo sa ganap na tuwa, ganap na buhay, binhi tungo sa tunay na kalayaan. Dahil, ang umaakay sa atin ay ang ating Mabuting Pastol.
Sana maging Mabuting Pastol tayo sa mga pinagkatiwala sa atin ng Panginoong Diyos. Amen.